-- Advertisements --

Nagkasagian ang dalawang eroplano ng Delta Airlines habang sila ay nag-tataxiing para makalipad na sana.

Nangyari ang insidente sa Harstfield-Jackson International Airport sa Atlanta.

Ayon kay Delta Air spokesperson Anthony Black na tumama ang wingtip ng Delta Airbus A350 sa Delta CRJ 900 regional jet na ino-operate ng Endeavor Airlines.

Walang pasahero naman ang nasaktan mula sa regional flights kung saan dinala sila pabalik sa terminal lulan ng bus.

Habang ang isang eroplano ay wala ng laman na pasahero dahil nakababa na ang mga ito bago mangyari ang insidente.

Isasakay na lamang sa ibang eroplano ang mga naantalang pasahero.

Dahil sa insidente ay isinara ng Federal Aviation Administration ang runway at ilang mga kalapit na taxiways.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring insidente.