-- Advertisements --

TACLOBAN CITY — Nalimas ang dalang cellphone ng dalawang estudyante matapos silang holdapin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa New Bypass Road Brgy. 92 Apitong, Tacloban City.

Ang mga biktima ay sina Frainame Banzon, 19 anyos at isa pang 16 anyos na estudyante na hindi na pinangalanan.

Ayon kay Pol. Maj. Edwin Cañamaque, station commander ng Tacloban City Police Station 2, tumatambay ang dalawang biktima sa gilid ng kalsada ng lapitan sila ng dalawang suspek.

Nagkunwari ang ito na may itatanong sabay tutok ng baril at kutsilyo sa kanila.

Dahil sa takot ay natulala ang mga biktima at dali daling kinuha mga suspek ang dalawang cellphone na nagkakahalaga nga higit kumulang Php 10,000

Kumaripas naman ng tumakbo ang mga salarin matapos ang insidente.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy at madakip ang mga holdaper.