-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inaresto ang dalawang Grade-12 graduating students matapos manlaban sa mga otoridad at lumabag sa Liquor ban Comon, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Aritao Police Station, ang mga inatesto ay itinago sa mga pangalang Dex at Ren , kapwa Grade-12 graduating Students at residente ng nabanggit na lugar

Lulan sa tricycle ang dalawang mag-aaral na pinara ng mga nakatalagang opisyal ng barangay bago pa man makarating sa Covid-19 Checkpoint.

Sinita ng isang barangay kagawad ang dalawang mag-aaral dahil sa paglabag sa curfew hour ngunit sa halip na magpakumbaba ay sinagot pa ng mga suspek ang opisyal ng barangay at akmang manlaban.

Hinihinalang lango sa nakalalasing na inumin ang dalawang mag-aaral na nagkayayaan na lumabas pagkatapos ng kanilang inuman.

Kasong resistance and disobedience to a Person in Authority, Paglabag sa Executive Order No. 15 o liquor ban at Republic Act 11332 sa ilalim ng ECQ ang kakaharapin ng mga suspek.

Dinala ang mga pinaghihinalaan sa Aritao Police Station para sa kaukulang disposisyon.