-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng Pontevedra Municipal Police Station sa nangyaring pamamaril sa dalawang college students sa loob ng kanilang boarding house sa Barangay Rizal, Pontevedra, Capiz.

Sa interview ng Bombo Radyo Roxas kay PCapt. Gregg Anthony Salbang, hepe ng Pontevedra PNP, nangyari ang insedente habang naghahapunan ang dalawang biktima na sina Romark Restores 22-anyos ng Barangay Marita, President Roxas, Capiz at Rene Boy Alerta 22-anyos ng Barangay New Guia, Maayon, Capiz sa kanilang boarding house.

Bukas diumano ang bintana habang naghahapunan ang dalawa kaya nabaril sila ng hindi nakilalang suspek.

Napag-alaman na bago pa ang pangyayari, may nambato sa boarding house ng mga biktima, kaya lumabas sila para kumprontahin sana ito.

Ngunit wala silang nakitang tao kaya kaagad silang pumasok para magha-punan.

Kumakain na ang dalawa ng bigla silang barilin ng suspek.

Nagtamo ng sugat ang dalawa at kaagad na dinala sa ospital para bigyang lunas ang kanilang mga sugat.

Samantala mabilis na nakatakas ang suspek sa hindi malaman na direk-syon.