-- Advertisements --

LA UNION – Nagsalpukan sa himpapawid ang dalawang Air Force jets sa bahagi ng liblib na lugar ng Northern Germany.

Agad naman nagresponde ang emergency services sa Fleesensee, malapit sa Malchow, na pinaniniwalaan pinangyarihan ng banggaan ng dalawang Eurofighter jets.

Ang piloto ng bawat eroplano ay agad na nakalabas bago pa magsalpokan ayon sa tagapagsalita ng Air Force at sila ay matatagpuanpa dagdag nito.

Ayon pa sa mga nakasaksi, alas 2 ng hapon ng makarinig sila ng malakas na kalabog.

Sa ngayon, hindi pa mabatid kung ilan ang bilang ng mga sugatan sa insidente.