-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Mapalad ang dalawang faculty members mula sa Catanduanes State University matapos itong mapabilang sa mga lalahok sa World Youth Festival na gaganapin sa Russia.

Nabatid na sumailalim sa mahigpit na selection process ang nasa 309,000 na mga aplikante mula sa 88 mga bansa sa mundo.

Ayon kay Catanduanes State University President Dr. Patric Allain Azanza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang naturang Youth Festival ay nakatakdang magsimula sa unang linggo ng Marso sa kasalukuyang taon.

Nabatid na libre ang lahat ng gastusin sa naturang aktibidad dahil fully funded ito ng Russian Federation.

Isa sa mga layunin ng World Youth Festival ay ang pagbabahagi ng mga ideya at inisyatiba ng mga young leaders, professional at activists mula sa iba’y ibang mga bansa sa mundo upang mabigyang solusyon ang global challenges.

Ayon kay Azanza, malaking tulong ang aktibidad para sa pagpapalago pa ng mga programa ng kanilang unibersidad.

Samantala, siniguro rin ng opisyal na ligtas ang venue ng naturang festival lalo pa at umiiral pa rin ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.