CENTRAL MINDANAO-Nagbalik loob sa pamahalaan ang dalawang mga opisyal ng New Peoples Army (NPA) at anim nitong mga tauhan sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Ang mga rebelde ay mga tauhan ng Sub-Regional Committee (SRC) Daguma, Far-South Mindanao Region (FSMR) na kumikilos sa hangganan ng Sultan Kudarat,South Cotabato at Sarangani Province.
Ayon kay 6th Infantry Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy na sumuko ang mga rebelde sa tropa ng 37th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Allen Van Estrera sa Barangay Tibpuan Lebak Sultan Kudarat.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang isang 5.56mm M16 Rifle,(1)7.62mm M14 Rifle,(2) Caliber .45 Pistols at isang granada.
Nagpasalamat naman si 603rd Brigade Commander Bregadier General Eduardo Gubat sa mga tumulong sa negosasyon sa pagsuko sa mga rebelde.
Hinikayat muli ni MGen Uy ang ibang mga NPA na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.