Dalawang Filipino-American group ang napiling magrepresenta ng Estados Unidos sa World Championships na gaganapin sa Phoenix sa buwan ng Hulyo.
Ang dalawang grupo kasi ay nag-uwi ng gintong medalya sa katatapos na national championship sa Los Angeles.
Itinuturing ng isa sa mga miyembro ng Mini Chapkidz na si Jaydelyn Atencion na kahit 10-anyos pa lamang ito isa ng katuparan ng pangarap ang maipresenta ang US sa nasabing kumpetisyon.
Ang Mini Chapkidz na isang all-Filipino dance crew na binubuo ng siyam na mga kabataan .
Kinabibilangan ito ng mga miyembro na sina Alani Duenas, Amaya Narag, Aria Briosos, Avery Enriquez, Brooklyn Lopez, Cyrenna Balanag, Jordan Pineda at Lagi Sala.
Nakabase ang grupo sa Solano County malapit sa Fairfield sa Northern California kung saan nagsimula ang kanilang pagsasayaw noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ng 2020.
Karamihan sa mga miyembro ay nagsimulang magsanay sa pagsasayaw noong dalawang taong gulang pa lamang sila.
Bukod sa Mini ChapKidz ay kasama naman ang Fil-Am dance crew na “The Killas”.
Binuo nina Jerome Cunanan at Lee Andrew Maullon na kapwa Pinoy ang grupo noong 2018.
Nakagawa na sila ng kasaysayan noong nanalo sila ng first place ng apat na beses sa USA Competitions kabilang ang World of Dance Las Vegas noong 2019 at HHI competition noong 2021, 2022 at ngayong taon ay susubukan nilang magwagi.