Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang dalawang fugitive foreign national sa Ninoy Aquino International Airport.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Bureau of Immigration sa isang panayam.
Kinilala ng mga otoridad ang dalawang pugante na sina Yao Binand , Chinese national at Li Su Bin , Korean national na magkahiwalay na naaresto.
Matapos na masuri ang kanilang record ay natukoy na pugante ito at pinaghahanap ng Interpol.
Nakadetain ngayon si Yao sa BI’s detention facility sa Taguig City.
Nabatid na na-offload si Yao sa flight na patungo sana sa Maylasia matapos ang impormasyon na natanggap ng BI na ito ay bahagi ng isang cybercrime syndicate.
Samantala, pinayagan naman ng BI na makaalis pabalik ng Seoul, South Korea si Li Su matapos na maitembre sa mga otoridad ng naturang bansa ang pagdating nito sa South Korean at sila na ang bahala na umaresto dito.