-- Advertisements --
CEBU CITY – Arestado ang dalawang lalaki na nagboluntaryong maging frontliner sa isinagawang buybust operation sa Barangay Kinasang-an, Pardo sa lungsod ng Cebu.
Nakuha sa mga suspek ang 10.25 gramos ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang aabot sa P69,700 ang halaga ng nakumpiskang shabu.
Kinilala ang mga suspek na sina Robert Bacus Bastida alyas Toyang, 33 at Jurlito Racal Escabas, 26, parehong residente ng Sitio Lawis, Barangay Mambaling sa Cebu.
Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.