Inanunsiyo ngayon ng NBA ang pagkansela sa dalawang magkasunod na games ng Chicago Bulls matapos ang outbreak ng COVID-19 na tumama sa marami nilang mga players.

Ito ang unang postponement ng mga games sa NBA, kung saan noong huling season umabot sa mahigit 30 mga games ang naapektuhan sa pananalasa ng COVID pandemic.
Ang Bulls na kabilang sa top team sa Eastern Conference, ay kinumpirma na nagpositibo rin sa COVID si Alize Johnson.
Siya ang ika-10 player ng koponan na inilagay sa quarantine ng liga.
Una rito, maging ang mga top players at leading scorers ng team na sina Zach LaVine at DeMar DeRozan ay isinailalim din sa health at safety protocols.
Gayundin sina Coby White, Javonte Green, Derrick Jones Jr., Ayo Dosunmu, Matt Thomas, Troy Brown Jr. at Stanley Johnson.
Liban sa mga nabanggit na players, ilang miyembro rin ng coaching staff ang nasa isolation.
Bukas ay makakaharap sina ng Bulls ang Pisyos habang sa Biyernes naman ay kontra sa Raptors.