-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mula sa 1,700 mga presong nag-avail sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law nasa dalawa na ang sumuko sa magkaibang probinsya sa rehiyon ng Caraga.

Kinilala ni Brigadier General Gilberto DC Cruz, Police Regional Office 13 ang sumukong GCTA beneficiary na si Adrian V. Agao, 40 anyos resident ng Brgy. Poblacion, bayan ng Barobo Surigao del Sur.

Nakulong si Agao noong marso 27, 2017 sa Cebu City sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Una ng kinumpirma ni PCaptain Emmerson Alipit – tagapagsalita sa Butuan City Police Office ang pagsuko din sa Butuan City Police Station 4 ni Terencio Ponesto, 51-anyos, residente ng Brgy. Pigdaulan nitong lungsod ng Butuan.

Bagama’t inamin ng opisyal na maliban sa anunsyo ng pangulo ay wala pa siyang nababasang ipinalabas na mandato para sa kapulisan kung kaya hindi muna nila kinustodiya ang mga nagpakitang preso.

Paglilinaw ni Alipit na nagpalista ang mga ito at may mga ibinigay namang address at numerong pwedeng tawagan pagkatapos ng 15 araw base na sa ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte.