-- Advertisements --

Mukhang inaalat pa rin sa ika-apat na araw ng aquatics event ang koponan ng PH national swimming team na makapag-uwi ng ikalawang gintong medalya ngayong araw. 

Tila kinakapos na ang swimming team ng ating bansa na makahabol mula sa matitindi nitong kalaban tulad ng bansang Singapore at Thailand. 

Maging sa ginanap na women’s 3m springboard kanina ay minalas ang mga pambato ng Pilipinas na makapasok sa top three kung saan pang lima lamang si Monique Anne Demaisip sa score na 202.60. 

Kinulang ng 133.8 points si Demaisip para sana maiuwi nito ang gintong medalya. Habang ang isa pang Pilipinong atleta na sumabak din sa nasabing event na si Rose Ann Ocmer ay pinakahuli sa listahan kung saan nakakuha lamang ito ng 172.80. 

Naibulsa naman ng dalawang atleta mula Malaysia ang gold at silver medal para sa women’s 3m springboard. 

Nanguna sa score na 298.90 ang Malaysian diver na si Yan Yee Ng habang pumangalawa naman dito ang Jasmine Lai Pu Yee na may 241.95 points.