TACLOBAN CITY – Arestado ang dalawang empleyado ng gobyerno matapos ang magkasunod na buy bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa bayan ng San Miguel, Leyte.
Ayon kay Rogellete Urgel, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 8, unang naaresto ang isang empleyado ng local government unit (LGU) San Miguel Leyte na kinilalang si Roland SalaƱo, 25 taong gulang at residente ng nasabing lugar.
Nakuha sa posisyon nito ang limang sachet ng pinaniniwalaang shabu at P1,360 na buy bust money.
Samantala sa sumunod na operasyon ng PDEA kasama ang mga pulis at sundalo ay naaresto naman ang suspek na si Alden Hisma, 43 taong gulang at empleyado rin ng lokal na pamahalaan ng San Miguel.
Sa ngayon ay nakaditine na ang nasabing mga high value target at nahaharap na sa karampatang mga kaso.