-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagkaharap ang dalawang grupo na nagkasagupa sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.

Itoy sa pagitan nina Barangay Rebuken Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte Barangay Chairwoman Wella Soledad Otto at Kumander Uztads Kaharudin Ompong ng 104th Base Command ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF).

Dumalo sa rido settlement na ginanap sa kampo ng Ist Brigade Combat Team sina Sultan Kudarat Mayor Datu Tucao Mastura, Col.Jose Vladimir Cagara ang Deputy Commander ng 1st Brigade Combat Team, Congresswoman Bai Dimple Mastura,Sultan Kudarat Vice-Mayor Shameen Mastura,mga opisyal ng militar,pulisya at MILF.

Nagkasundo ang dalawang grupo na wakasan na ang kanilang hidwaan tungo sa pagkakaisa at mapayapang pagsasama.

Hinikayat rin ng mga otoridad na bumalik na sa kanilang tahanan ang mga bakwit.

Matatandaan na marami ang lumikas na mga sibilyan sa magdamag at hanggang umagang engkwentro sa pagitan ng dalawang grupo.