-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagkasundo na ang dalawang grupo na nagkasagupa sa probinsya ng Cotabato.

Unang nagka-engkwentro ang grupo nina Kumander Renz Tukuran ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Kumander Lak ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Barangay Sambulawan Midsayap Cotabato.

Dahil sa tindi na palitan ng bala sa magkabilang panig ay lumikas ang mga sibilyan sa takot na maipit sa bakbakan.

Agad na nagsagawa ng peace dialogue ang militar,lokal na pamahalaan ng Midsayap sa pamumuno ni Mayor Rolly Sacdalan,MILF-CCCH at mga opisyal ng Barangay kung saan pinatawag ang magka-alitan na grupo.

Nagkaayos ang grupo nina Kumander Renz at Kumander Lak para sa mapayapa na samahan at pagkakaisa.

Hudyat ito na maaari nang bumalik sa kanilang mga tahanan ang mga sibilyang lumikas kasunod ng engkwentro.

Namahagi naman ng tulong sa mga bakwit ang MSWDO-Midsayap sa pangunguna ni Karl Ballentes at MSSD-BARMM.

Umaasa ang lahat na tuloy-tuloy na ang magandang samahan ng dalawang grupo.