CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan sa engkwentro ng dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya na nagkasagupa ang grupo nina Kumander Datu Kilos Manalinding, Kumander Tarzan Dagadas at Kumander Karim Dubua laban sa grupo ni Kumander Datu Tiyo Minanimbong sa Sitio Malasan Barangay Tunganon Carmen Cotabato.
Dahil sa tindi ng bakbakan ng dalawang pangkat ay nagsilikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar sa takot na maipit sa gulo.
Matagal nang may alitan ang mga nag-aaway na grupo sa lupa nilang sinasaka.
Napag alaman na kapwa mga myembro ng MILF ang mga naglalabang grupo.
Nananawagan ang mga sibilyan sa MILF at Bangsamoro Government na agad gumawa ng hakbang para matigil ang bangayan ng dalawang grupo.
Sa ngayon ay hindi pa matiyak ang bilang ng mga nasawi at sugatan sa e ngkwentro.