-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nahuli sa entrapment operation ng mga otoridad ang dalawang gun runner sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Adji Mohaimen Akmad Lumamba at Talib Basagan Manindig,pawang mga residente ng Matanog Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Shariff Aguak Municipal Police Station, 1404th RMFC, RMFB14 at RID-RSOG PRO BAR ang mga suspek sa inilunsad na entrapment operation

Sitio Malinis Barangay Mother Poblacion Shariff Aguak Maguindanao.

Narekober sa mga suspek ang isang Remington 5.56 rifle,isang 40mm grenade launcher,Cellphones at buybust money.

Pinuri naman ni PRO-BAR Regional Director Bregadier General Eden Ugale ang operating troops na nakahuli sa mga suspek.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Shariff Aguak PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.