-- Advertisements --

BACOLOD CITY — Mahigit P100, 000 halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga pulis mula sa dalawang guro sa Negros Occidental na nahuli sa buybust operation kahapon.

Sa Purok Masinadyahon, Brgy Caradio-an, Himamaylan City, nahuli ng mga pulis si Stephen Arrivicita, 40-anyos at residente ng Adela Street, Brgy. 2, Kabankalan City nitong lalawigan.

Ayon sa Himamaylan City Police Station, dumayo pa ang public school teacher sa kanilang lungsod upang magbenta ng shabu.

Matapos mabilhan ng P500 na halaga ng shabu, nakuha pa sa pag-iingat ng guro ang karagdagang 10 sachets ng iligal na droga.

Ang kabuuang shabu ay may bigat na 5.6 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P95, 000.

Samantala, sa Talisay City naman, nahuli ng mga pulis sa isang vulcanizing shop si John Paul Insular ng Octagon Village, Barangay Zone 15 at nagtuturo sa Technical Education and Skills Development Authority sa nasabing lungsod.

Batay sa rekord ng Talisay City Police Station, si Insular ay isang high value individual.

Kasama nitong nahuli si Joenefer Juson ng Purok Kabulakan, Zone 10, Talisay City at newly identified drug personality.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang suspected shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P34,000.