BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa P5-milyong ang damyos na iniwan matapos silaban ng umano’y mga rebeldeng New People’s Army ang isang back hoe, isang truck mixer at isang generator set na pag-aari ng CTB Construction sa Brgy. Mapawa, Surigao City kaninang alas-11:40 ng umaga.
Naglunsad na ng joint police and army operation laban sa mga tauhan ng Guerilla Front 16B, Northeastern Mindanao Regional Committee dahil sa kanilang ginawa sa kabila na ginagamit ang mga ito sa konstruksyon ng farm-to-market road.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) 13 Director BGeneral Romeo Caramat Jr., ang pinagsanib na pwersa ng Surigao del Norte Provincial Mobile Force Company at 29th Infantry Battalion, Philippine Army ang syang naghahanap ngayon sa mga responsable na galit umano matapos na hindi mabigyan ang kanilang extortion activities.
Mariing kinondena ng PRO-13 ang nasabing pang-aatake dahil senyales lamang umano ito na hindi gusto ng rebeldeng grupo na makabenepisyo nito ang mga simpleng residente mula sa daan na magli-link sana sa komunidad patungo sa sentro ng merkado upang mas mapagaan ang pagdadala ng kanilang mga agrikulturang produkto.