-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pormal ng sinampahan ng pulisiya ng kaso ang dalawang suspek na nangholdap at namaril sa gwardya at cashier na buntis sa isang gasoline station sa Brgy Katipunan, Villanueva, Misamis Oriental.

Ito ay matapos maaresto ng mga pulis ang dalawa sa isinagawang joint hot pursuit operation ng Villanueva Police Station at Misamis Oriental Provincial Intelligence Branch at Cagayan de Oro City Police Office.

Sinabi ni Villanueva Municipal Police Station commander Major Rogelio Manalang na kasong robbery homicide, frustrated homicide at illegal position of firearmas ang kanilang isinampa laban kina Reymark Jay Pumatong, 27, at Bernie Belen, 28.

Una na kasing binaril ni Pumatong ang natutulog na naka-duty na gwardya na si Dominico Servandel, 22, na nagresulta sa pagkatay nito ng holdapin nila ang Phoenix Petroleum sa naturang lugar.

Binaril din niya ang buntis na cashier na si Axel rose Gemino at maswerte naman na nasa mabuti na ang kalagayan ngayon.