-- Advertisements --

Inaasahan ang matinding suporta ng publiko matapos ipasa ng U.S. House of Representatives ang dalawang bagong panukala na susuporta sa mga anti-democracy protesters sa Hong Kong.

Ang mga panukala na ito ay magsisilbi rin umanong banta para sa China na dapat ay igalang at irespeto ng bansa ang karapatang pantao ng mamamayan sa nasabing lungsod.

Nakakuha ng botong 417 to 1 ang “Hong Kong Human Rights and Democracy Act” ay inoobliga ang State Department na sertipikahan ang Hong Kong kada taon para mapanatili nito ang kanilang otonomiya na magbibigay qualificaton sa lungsod para sa special U.S. trading.

Habang 417-0 naman ang nakuhang boto ng ikalawang bill na magbabawal sa pag-eexport ng kahit anong crowd-control munitions sa Hong Kong police forces tulad ng tear gas, pepper spray, ruibber bullets at stun guns.

Binigyan si US President Donald Trump ng 10 araw upang pirmahan ang mga nasabing panukala ngunit yun ay kung hindi niya ito ivi-veto.