-- Advertisements --

Ipinamalita ng Department of Trade and Industry – Board of Investment (DTI-BOI) na mayroong dalawang “hyperscalers” ang inaasahang papasok sa bansa ngayong taon.

Ang nasabing mga hyperscalers ay global technology companies na nagbibigay ng cloud and internet-based services na nangangailangan ng malaking espasyo, power at connectivity sa rehiyon.

Sinabi ni DTI undersecretary at BOI managing head Ceferino Rodolfo na mayroon ng isinagawang pag-uusap sa mga hyperscalers mula sa US at mula sa China.

Hindi na nito binanggit pa kung aling kumpanya ang mga ito.

Pagtitiyak nito, hanggang sa pagtatapos ng taon ay tiyak na ang pagpasok ng dalawang kompaniya sa bansa.

Ayon naman kay DTI Secretary Ramon Lopez na malaki talaga ang potensiyal ng bansa dahil sa pagiging digital savvy ng bansa kung saan marami ang gumagamit na ng mga cellphones.