COTABATO CITY – Nagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa mga rebeldeng grupo sa bayan ng Maguindanao.
Ito’y matapos ang sunod-sunod na engkuwentro ng tropa ng pamahalaan at local terrorist group na nagresulta sa pagkakasawi ng isang miyembro ng ekstremistang grupo at isang sundalo.
Sa ginawang security operation ng militar sa mga barangay ng Rajah Buayan, Maguindanao, nagpang-abot ang dalawang panig na nauwi sa palitan ng putok.
Narekober naman ng militar ang dalawang improvised explosive device (IED) at sangkap nito, tatlong magay at isang kalahating sako ng IED fertilizer.
Samantala, sinabi ni Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na hindi muna nila pangangalanan ang nasawing sundalo habang pinapaalam pa sa pamilya nito ang masamang sinapit.