-- Advertisements --
macasampen 1
Macasampen

CENTRAL MINDANAO – Dalawang malakas na uri ng improvised explosive device (IED) ang nadepyos ng militar sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng 90th Infantry (Bigkis-lahi) Battalion Philippine Army na nakatanggap sila ng impormasyon sa mga sibilyan sa dalawang bomba na natagpuan sa kanilang sakahan sa Brgy Macasampen, Guindulungan, Maguindanao.

Agad na nagresponde ang 90th IB katuwang ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army at defuse ang IED.

Marami ang naniniwala na posibleng kagagawan ito ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at target ang mga sundalong magpapatrolya sa lugar.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng pulisya at militar ang seguridad sa lalawigan ng Maguindanao.