TUGUEGARAO CITY- Wala umanong katotohanan ang naging alegasyon ng grupo ng mga Muslim laban sa Enrile-Philippine National Police (PNP) na pinainom umano ng tubig na may shabu ang dalawang imam at isa nitong miyembro na nahuli sa buy bust operation kaya nagpositibo sila sa droga.
Ayon kay Police Captain Lorvin Layugan, chief of police ng PNP-Enrile, bagama’t totoong humingi ng tubig ang tatlo matapos maaresto ay wala silang inilagay na kung anong bagay sa kanilang ininom.
Paliwanag pa ni Layugan na ang shabu ay hindi iniinom, sa halip ay hinihithit.
Aniya, “alibi†na lamang ng mga nahuling suspek ang mga inilalabas na kuwento para pagtakpan ang kanilang sarili sa masamang gawain.
Idinagdag pa niya na tinanggap ng piskalya ang inihain nilang kaso laban kina Habib Dotongcopun, Noraldin Lucman at miyembrong si Mossanip Madaya, na patunay na may probable cause sa kanilang inihaing reklamo.