-- Advertisements --

Inaresto ng mga police ang dalawang lalaki matapos ang pananampal kay French President Emmanuel Macron.

Makikita sa isang video clip ang lalaking naka-maskara na sumisigaw ng “Down with Macronia” sa French at sinampal ang pangulo.

Nangyari ang insidente sa ginawang pagbisita ni Macron sa isang paaralan sa southeast France.

Agarang kinondena naman ni French Prime Minister Jean Castex ang karahasan sa politika at pananalakay bilang hindi demokratikong sistema.

Mabilis namang hinigpitan ng entourage ni Macron ang kaniyang seguridad at hinila ang mga lalaki palayo sa pangulo. (with reports from Bombo Jane Buna)