Naghain ng counter-affidavit ang 2 independent contractors ng GMA na sina Jojo Nones at Richard cruz sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa sexual-abuse complaint ng aktor na si Sandro Muhlach.
Tanging ang legal counsel ng 2 na si Atty. Maggie Abraham-Garuque ang humarap sa paghahain ng counter-affidavit nitong araw ng Biyernes.
Aniya, pinoproseso pa ng ng NBI ang ebidensiya kayat hindi pa ito maikokonsidera sa ngayon bilang kaso. Nanindigan din ito na itinatanggi ng kaniyang mga kliyente ang mga alegasyong inaakusa laban sa kanila.
Iginiit din nito na dinungisan ng naturang mga alegasyon ang reputasyon nina Nones at Cruz na nasa industriya sa loob ng mahigit 3 dekada.
Samantala, kasalukuyang sumasailalim ang aktor na si Sandro sa psychological assessment. Nauna ng sinabi ng kaniyang amang aktor na si NiƱo Muhlach na dumaranas ang kaniyang anak ng trauma at depression dahil sa naturang insidente ng panghahalay.
Matatandaan na nauna ng naghain ng criminal complaint ang batang aktor kasama ang kaniyang ama laban kina Nones at Cruz sa NBI.
Nag-ugat ang reklamo matapos kumalat online ang isyu ng pangmomolestiya ng 2 independent contractors ng network sa aktor matapos ang star-studded GMA Gala 2024 sa Manila Marriot Hotel noong Hulyo 20.