-- Advertisements --

cidg1

Arestado ang dalawang Pinoy na kasamahan ng French fugitive matapos tangkain ng mga ito na suhulan ang mga police investigators na may hawak sa kaso ng nakakulong na banyaga.


Ayon kay PNP kay PNP Chief Gen. Debold Sinas nasa P1.5 million ang ibinibigay na pera ng dalawang Pinoy kapalit ng kalayaan sana ng nakakulong na wanted na banyaga.

Kinilala naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang dalawang inarestong Pinoy na sina Aaron Christian Bolus,31-anyos, negosyante mula Dau, Mabalacat City; at Joseph Julius Gonzales, 24, driver mula Porac, Pampanga.

Sinabi ni Sinas, nahuli ang dalawa sa ikinasang entrapment operation sa loob ng CIDG Field Office sa Pampanga, Angeles City.

Sina Bolus at Gonzales ay mahaharap sa kasong paglabag sa Art. 212 mula sa Revised Penal Code (Corruption of Public Official).

Siniguro naman ni Sinas na tutulungan nila ang INTERPOL para managot sa batas ang French fugitive na nakilalang si Julien Barrier, 39-anyos, French national at pansamantalang nasa kustodiya ng PNP matapos itong arestuhin nuong Biyernes ng mga tauhan ng CIDG sa Clark International Speedway, Clark Freeport, Mabalacat City, Pampanga.

Ang nasabing banyaga ay subject sa mission order na inilabas ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente.

Batay kasi sa records ng BI, si Barrier ay kabilang sa database ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) dahil sa kasong illegal drugs, cocaine sa Paris, France.

Pinuri naman ni Sinas ang mga pulis na hindi nagpasilaw sa pera at nanaig ang kanilang katapatan sa kanilang trabaho.