BAGUIO CITY – Arestado ang dalawang indibidual matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of sa magkahiwalay na operasyon sa Cordillera.
Unang nahuli si Menurge Nauda, 64-anyos, tubong Candon, Ilocos Sur at residente ng Dr. Carino Street, Lower QM, Baguio City.
Nahuli ang nasabing indibidwal dahil sa kaso nitong falsification of documents at may inirekomendang pagpiyansa na P36,000.
Samantala, nahaharap ngayon sa kasong paglabag ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act of 2004 ang isang a retiradong empleyado ng gobyerno matapos mahuli sa Dagupan West, Tabuk City, Kalinga.
Nakilala itong si Julius Simeon, 51-anyos, at residente ng Dagupan West, Tabuk City, Kalinga.
Papalo naman ang inirekomendang piyansa sa suspek na P120,000.
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa disposisyon ng mga kaso.