Dalawang indibidwal ang kumpirmadong nasawi habang tatlo katao naman ang sugatan matapos na mabunggo ng military truck ang ilang Christmas Eve shoppers sa Bangkerohan Market in Davao City.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines – Eastern Mindanao, tinukoy nito ang sasakyan na Task Force Davao KM450.
Batay sa report, naka park ang naturang truck sa market ng nasabing bayan ng bigla nalang sumakay ang isang lalaki at binunggo ang mga shoppers pati na ang iba pang mga nakapark na sasakyan sa lugar.
Kinilala ang suspect na si Crenenandy Cadiente.
Paliwanag pa ng Armed Forces of the Philippines – Eastern Mindanao, ang Task Force Davao na gumagamit ng naturang truck ay magsasagawa sana ng security operations sa lugar.
Dinala na rin sa malapit na pagamutan ang mga biktima.
Sa ngayon ay hindi pa rin natutukoy ng mga awtoridad ang kalagayan ng pagiisip ng suspect .
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Eastern Mindanao commander na ri Lt. Gen. Greg Almerol sa pamilya ng mga nasawi.