LAOAG CITY – Nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril na sanhi nga pagkamatay ng dalawang indibidwal sa Barangay Nagsanga, Pasuquin.
Nakilala ang mga biktima na sina Larry Bumiltac alyas “Boy Kulot”, 36-anyos at Anicia Carunan, pawang mga residente ng Brgy. Pangil sa nasabing bayan.
Sa paunaung imbestigasyon ng mga personahe ng Crime Laboratory Office ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO), nakarekobre a lugar ang isang slug ng cal. 45 na baril; 4 na basyo ng cal.45; 2 basyo ng cal. 30; isang sopresor; isang bala ng cal. 45 at isang magazine para sa cal. 45 na baril at may pitong bala.
Samantala, nalaman sa eksaminasyon sa bangkay ng mga biktima a nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t-parte ng katawan si Bumiltac gayundin si Carunan.
Kaugnay nito, sinabi ni Police Corporal Harold Aguilar, isa sa mga imbestigador ng PNP-Pasuquin na bago nangyari ang pamamaril ay unang nagtungo si Bumiltac isa kanilang opisina kung saan sinamahan nito ang isang indibidual na nagblotter dahil sa isyu ng pagkakataga ng alagang baka.
Aniya, sa pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon ay mayroong nagpakitang testigo kung saan ipinaalam nito na isa sa kasama ng mga biktima na si Carl Daniel Tabay ay naagaw nito ang cal. 45 mula sa suspek at itinpon iti sa bukid.
Sinabi ni Aguilar a base rin sa testigo ay naglakad lamang ang mga suspek ng nangyari ang krimen at matapos pagkatapos nito ay nagtakbuhan ang mga ito sa bundok.
Dagdag nito na base sa eksaminasyon sa mga biktima ay puntirya ng mga suspek si Bumiltac at nadamay lamang si Carunan.
Gayunpaman, inihayag ni Aguilar na magpapatuloy ang mas malalim na imbetigasyon upang matukoy ang totoong motibo sa insidente at ang mga nasa likod nito.
Una ng ipinaalam ni Aguilar na nangyari ang insidente habang nag-iinuman ang mga biktima kasama ng asawa ni Carunan na at isa pang kaibigan ng mga ito.