-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang dalawang indibidwal sa magkahiwalay na aksidente sa daan sa lalawigan ng Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Winefredo Manjares Noma, 51-anyos residente ng Brgy. Bebito, Lopez, Quezon at Alyas Glen, 21-anyos, residente ng Brgy Manggalang Bantilan, Sariaya, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng kinilalang si Frederick Nicdao Escala, 33-anyos, residente ng Barangay Catulin, Buenavista, Quezon gamit ang van na pinagmamaneho nito ang Maharlika Highway papuntang south sa bayan ng Lopez sa nasabing probinsya ng aksidente nitong mabangga ang biktimag si Winefredo Manjares Noma na naglalakad lamang gilid ng daan.

Dahil dito, nagtamo naman ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na kaagad naman na dinala sa ospital pero sa kasamaang palad ay binawian rin lang ng buhay habang ginagamot ng mga doktor.

Samantala, patay rin ang isang lalaki na kinilalang si alyas Glen sa Brgy Manggalang Bantilan, Sariaya, Quezon matapos sumalpok ang motorsiklong pigmamaneho nito sa isa pang motorsiklo pinagmamaneho naman ni Alyas Romeo, 41-anyos, residente ng Brgy Nagsimano, Lucban, Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na habang binabagtas ni Romeo ang daan papunta sa Lucban Quezon mula sa Padre Garcia, Batangas ng sumalpok ang pigmamanehong motorsiklo ni alyas Glen sa motorsiklong minamaneho naman ni Alyas Romeo na nasa kabilang deriksyon.

Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan si alyas Glen na kaagad namang dinala sa ospital pero ideneklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, muli namang nagpa-alala ang mga otoridad sa lahat ng mga motorista na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho lalo pat sunod-sunod ang mga naitatalang aksidente sa daan sa mga nakalipas na araw. Magin responsable umano at sundin ang batas trapiko upang maiwasan ang mga kahalintulad na aksidente.