-- Advertisements --

NAGA CITY-Timbog an dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Kimberly, 26 anyos, residente ng Brgy. Del Rosario, Tiaong, at si alyas Bembol, 27 anyos, residente ng Brgy. San Isidro, Candelaria, parehong ng nabanggit na probinsya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nakabili aniya ng isang sachet ng pinaniniwalaang ilegal na shabu ang poseur-buyer ng mga awtoridad sa mga suspek, rason upang arestuhin ang mga ito.

Nang kinapkapan ang mga ito nakuha pa dito ang apat pang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang ilegal na droga, at may kabuuang bigat aniya ng 21 grams ang mga nakumpiska at nagkakahalaga ng ₱428,800.

Sa ngayon dinala na ang mga suspek sa Sariaya Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.