Dalawang Indonesian ang panibagong biktima ng pagdukot sa karagatan ng Sabah Malaysia.
Naganap ang insidente, madaling araw nuong Martes, September 11,2018 sa may bahagi ng Pulau Gaya, Sempornah Islands, Sabah, Eastern Malaysia.
Ang dalawang dinukot na Indonesian ay crew ng isang Malaysian fishing vessel na F/B Dwi Jaya 1.
Nakilala ang dalawang panibagong bihag na sina Samsul Saguni, 40-anyos, walang passport at kapitan ng fishing vessel at isang Usman Yunus, 35-anyos, walang passport at assistant captain.
Batay sa report, dalawang suspeks na armado ng M16 ang pwersahang dinukot at pinasakay sa kanilang speedboat.
Malaki ang hinala na ang ginamit na getaway speedboat ay patungo sa Pilipinas.
Sa ngayon hindi pa kinukumpirma ng militar sa Western Mindanao ang nasabing report.