KORONADAL CITY – Nasawi ang dalawang mga Indonesian nationals na iniuugnay sa teroristang grupo matapos ang magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa lalawigan ng South Cotabato.
Unang nasawi sa isinagawang operasyon ang 20-anyos na si Johnny Orangdatang makaraang manlaban umano sa mga pulis na humarang sa kanila sa national highway sa Bbarangay Sulit, Polomolok.
Siya umano ay kasabwat ng aarestuhin sana na miyembro ng ISIS inspired group na Dawlah Islamiya na si Ali Boy Nilong na wanted sa kasong frustrated murder.
Sa kabila ng natamong sugat, nakatakas ang suspek sakay ng motorsiklo sa Barangay Poblacion, Tupi kung saan siya naaresto.
Nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong mga basyo ng 9mm na baril, motorsiklo at dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Sa follow up operation ng joint team ng Polomolok at Tupi PNP namataan nila ang tumatakas din at isa pa nilang kasabwat na si John Mark Orangdatang sa Crossing Palkan, Polomolok.
Si John Mark ay nagtamo ng matinding mga sugat matapos makipagbarilan sa mga pulis at idineklarang dead on arrival sa ospital.
Nakuha sa kanya ng SOCO team na pinamumunuan ni Police Major Maikil Tan ang isang .38 cal. revolver, mga bala at basyo ng nasabing armas, at dalawang sachet ng suspected shabu.