-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao matapos ang naganap na hostage drama sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa lungsod ng Marikina.
Sinabi ni BJMP spokesperson Jail Chief Insp. Xavier Solda na ang mga nasawi ay pawang mga persons deprived of liberty (PDLs) na nang-agaw umano ng mga baril sa staff ng kulungan.
Sa inisyal na imbestigasyon, matapos mang-agaw daw ng armas ang dalawang preso ay hinostage nila ang dalawang nurse na kabilang sa medical mission.
Nagkaroon pa ng negosasyon sa pagitan ng mga kapulisang rumesponde subalit nagmatigas ang mga suspek at nauwi sa pamamaril sa mga nang-agaw na suspek.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring insidente.