-- Advertisements --

Patay ang dalawang inmates matapos ang pagsiklab ng riot sa loob ng Manila City Jail.

Kinilala ang mga biktima na sina Alvin Royo at Lito Escala na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan matapos na sila ay pagbubugbugin.

Sinabi ni Jail Senior Inspector Jayrex Bustinera, tagapagsalit ang Manila City Jail, na nagsimula ang gulo sa pagitan ng tinaguriang grupo ng “batang city jail” at “sputnik gang.”

Agad namang inilipat sa ibang mga selda ang mga nasangkot sa kaguluhan na mga inmates.