Nasa bansa ngayon ang dalawang barko ng Japanese Maritime Self-Defense Force (JMSDF) na dumating noong Biyernes sa Subic.
Ayon sa isang statement ng Philipppine Navy, ang nasabing mga barko ay ang helicopter carrier JS Kaga (DDH-184) at JS Murasame (DD-101) na siyang lead vessel ng Murasame-class destroyers.
Ang pagdating ng dalawang warship ng Japan ay para sa JMSDF Indo-Pacific Deployment Fleet port call and Maritime Cooperation Activity kasama ang Philippine Navy.
Nilinaw naman ng Philippine Navy, na karamihan sa mga gagawing aktibidad ay non-contact goodwill exchanges sa dalawang barko ng JMSDF.
“The PN’s accommodation and support for the visiting JMSDF ships despite limitations imposed by the pandemic is a gesture that contributes to the furtherance of both countries’ stronger diplomatic relations and strategic partnership,” ayon sa statement na inilabas ng Philippine Navy.