DAVAO CITY – Chōten de! o “at the top” sa wikang Hapon.
Dalawang mga Japanese senior citizens ang matagumpay na nakaakyat sa pinakataas na bundok ng Pilipinas, ang Mount Apo.
Pinarangalan at kinilala ngayon ng Sta. Cruz Municipal Tourism Office ang mag-asawang sila Chishiho Okada at Hiromi Matsumuto ,79 taong gulang, matapos na naging matagumpay ang kanilang pag-akyat sa Mt. Apo.
Napag-alamang kasali ang dalawang senior citizen sa labing tatlong mga trekkers na parehong mga senior citizens rin sa pag-akyat sa Sta. Cruz Trail ng Mt. Apo mula Enero 21 hanggang 23 nitong taon.
Dahil dito, ikinatuwa ng tourism officer ng lungsod na si Julius Paner ang pagsubok ng mga senior citizen na umakyat papunta sa pinakamataas na parte ng nasabing bundok.
Dahil dito ay marami ng mga senior citizens na gustong sumubok dito bilang recreational activity.
Kung maalala, isang Pinoy ang may hawak ng record bilang pinakamatandang nakaakyat sa tuktok ng Mount Apo noong Setyembre ng nakaraang taon na kinilalang si Pascacio Carcedo, sa edad na 83 anyos.