-- Advertisements --
Pinagpapaliwanag na ng Land Transportation Office (LTO) and the Land Transportation Franchising at Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang pampasaherong jeep sa lungsod ng Caloocan na nagkagitgitan.
Matapos ang makarating sa opisina ng LTO at LTFRB ang insidente noong gabi ng Huwebes sa Camarin, Caloocan City kung saan makikitang hindi nagbigayan sa kalsada ang dalawang jeep na nagresulta sa banggaan at pagkagulat ng mga pasahero.
Hinikayat din ng mga kapulisan ang mga pasahero ng 2 jeep na maghain ng reklamong reckless imprudence resutling to physical injuries laban sa dalawang drivers.
Sa susunod naman na linggo ay itinakda ng LTO at LTFRB ang kanilang gagawing imbestigasyon kung saan ipinatawag ang mga drivers sa kanilang opisina.