LA UNION – Ipinadala na kahapon ng Department of Social Welfare and Dev’t. (DSWD) Regional Field Office One ang 2,000 family food packs para sa mga evacuees at biktima ng pagsabog ng Bulkan Taal sa Batangas.
Sinabi sa Bombo Radyo La Union ni DSWD Regional Information Officer Darwin Chan, nakipag-ugnayan sila sa Police Regional Office (PRO-1) para sa pagpapadala ng nasabing mga tulong.
Samantala, isang cluster meeting ang isinasagawa ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan, kabilang dito ang DOST, DILG, PNP, PCG, at PRC sa DSWD Reg’l. Field Office One para pag-usapan ang mga karagdagan pang tulong na ibibigay sa mga biktima ng volcanic eruption at sa lokal na [amahalaan ng Batangas.
Iginiit ni Chan na ang 2,000 family food packs ay initial assistance lamang para sa mga nangangailangan ngayon ng tulong.
Panawagan naman ni Chan sa mga taga La Union na nais tumulong ‘in kind’ na makipag-ugnayan lamang sa DSWD Regional Field Office One.