-- Advertisements --
Pumalo na sa 2,000 mga kumpanya sa bansa ang naghain ng permanent closure dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis, na aabot sa 70,000 na mga empleyado ng mga kumpanya ang nawalan ng trabaho.
Inamin din nila na may ilang kumpanya ang walang kakayahan na magbayad ng separation pay dahil sa kawalan ng mga kita ng mga ito.
Tiniyak naman Department of Labor and Employment (DOLE) na kanilang tutulungan ang mga empleyado na nawalan ng trabaho.