CEBU CITY -Pinayagan na ng Cebu City Government sa ilalim ng bagong Executive order ang nasa 1,355 na mga jeepney na magbalik sa operasyon na may 18 na mga nakalaan na ruta sa buong siyudad simula ngayong araw.
Nagbigay ng direktiba si Cebu city Mayor Edgardo Labella na mahigpit pa rin na ipatupad ang mga guidelines at requirements ngayong balik na sa operasyon ang mga tradisyunal na public utility jeepneys habang nasa loob ang siyudad sa mga restrictions dahil sa pandemya.
Nag issue rin si Mayor Edgardo Labella ng Executive Order No. 102 para sa pagtatag ng Balik Pasada Program na may kaugnayan sa rekomendasyon ng Cebu City Jeepney Task Force.
Nakasaad sa Balik Pasada Program ang mga guidelines sa pagbalik operasyon at balik pamamasahero ng mga traditional jeepney kahit na pandemya o patuloy na laban COVID-19.
Papasa rin dapat una ang mga drayber sa Land Transportation Office motor vehicle inspection system at makakuha ng Cebu City Transportation Office travel line bago pinahihintulotang bumalik operasyon.
Samantala, habang nasa pandemya pa rin ang bansa, kailangan pa rin sumunod sa mga health protocols ang mga public utility vehicles na pinapatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board kagaya ng physical distancing at pagsuot ng face mask at face shield.