-- Advertisements --
Naka-deploy na rin sa mga lugar na inaasahan ang pagbuhos ng tao ang mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) para magbigay ng first aid sa mga nakakaranas ng pagkahilo, mga nasasangkot sa aksidente at iba pa.
Ayon kay Red Cross chairman Sen. Richard Gordon, kabuuang 2,000 volunteers ang ipinakalat ng PRC, simula pa kahapon.
Mayroon ding 150 ambulansya at tents na magagamit kapag may malalaking sitwasyong kailangang tugunan.
Prioridad ng PRC ngayong ang mga terminal ng bus, pantalan at airports, habang sa mga susunod na araw ay mas maraming tauhan ang itatalaga nila sa mga tabing dagat, ilog, plaza at mga dinarayong lugar.
Hinimok naman ni Gordon ang publiko na pairalin ang diwa ng bayanihan para matulungan ang mas marami nating kababayan.