CENTRAL MINDANAO – Dalawa katao ang nasawi sa magkasunod na pamamaril sa Tacurong City.
Nakilala ang unang biktima na si Erickson Aranico, 33, may asawa at residente ng Brgy Poblacion, Tacurong City.
Ayon kay Tacurong City chief of police, Lt. Col. Joefil Siason na kabubukas lamang ng biktima ng kanyang intenet café ng ito ay pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.
Pangalawang biktima ay hindi pa nakilala na nag-aabang ng sasakyan malapit sa round ball sa lungsod ng Tacurong kung saan binaril rin ito ng mga hindi nakilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.
Habang dinadala sa pagamutan ang biktima ng mga tumulong na sibilyan ay sinundan ito ng look-out ng mga suspek at saka binaril sa ulo.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Tacurong City PNP sa magkasunod na pamamaril patay sa mga biktima.