-- Advertisements --

Inaresto ng Northern Ireland Police ang dalawang kabataan na may kauganayan umano sa pagpatay sa 29-anyon sa investigative journalist na si Lyra Mckee.

Parehong lalaki ang dalawang suspek na may edad 18 at 19. Dinala kaagad ang mga ito sa istasyon ng pulis sa central Belfast.

Si Mckee ay isang prominenteng journalist na pinatay sa Creggan area ng Londonderry noong Huwebes kung saan itinuturing ito ng mga otoridad na isang “terrorist incident.”

Namatay si Mckee habang kasagsagan ng riot sa nasabing lugar. Nakatayo umano ang biktima malapit sa isang sasakyan ng pulis nang matamaan ito ng bala. Kinumpirma ni chief constable Mark Hamilton na agad itong namatay dahil sa pagkakabaril sa biktima.

Ayon sa nonprofit organization na Committee to Project Journalists, si Mckee ang kauna-unahang journalist na napatay sa United Kingdom simula noong 2001.