-- Advertisements --
PMA presscon

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) na dalawang kadete na kabilang sa Mabalasik Class of 2019 ang hindi makaka-graduate ngayong araw dahil sa paglabag sa school regulation.

Ayon kay PMA Spokesperson Maj. Reynan Afan, hindi na meet ng dalawang kadete ang basic requirement for graduation.

Binigyang-diin ni Afan na mananatili pa sa ilalim ng PMA regulations ang lahat ng mga kadete hanggang sa kanilang huling oras bago ang kanilang graduation ceremony, ito ay hanggat hindi sila makipagkamay kay Pang. Rodrigo Duterte na siyang magiging opisyal na graduate na ang mga ito.

Giit ni Afan, kagaya ng mga normal cadets, ang dalawang graduating cadets ay mananagot dahil sa ginawa nilang paglabag kahit pa ay kabilang sila final list of graduates ng Mabalasik Class of 2019.

“ Hangga’t hindi sila nakakamayan ng Presidente, sila ay nasa batas ng PMA. Kung may nangyari sa kanila, sa tingin ng PMA ay nakakalabag sa mga regulasyon, kailangan pong managot, magkaroon ng responsibilidad,” pahayag ni Afan.

Hindi naman tinukoy ni Afan kung anong paglabag ang gnawa ng dalawang kadete.

Dagdag pa nito na ang PMA academic board ang mag assess sa ginawa ng dalawang kadete at kung anong parusa ang ipapapataw sa dalawa.

Paglilinaw naman ni Afan na ang dalawang kadte ay maaari pa ring maka graduate.
Sinabi ni Afan na marami na umanong pagkakataon na may ganitong mga insidente, aniya minsan nagkakaroon ng late graduation kahit mag-isa lang siya, pero naka depende pa rin ito sa desisyon ng academic board.

Mula sa 263 graduating cadets, 261 lamang ang makakasama sa seremonya ngayong umaga na dadaluhan ni Pang. Rodrigo Duterte.