-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival sa ospital ang dalawang lalaki nang manlaban sa mga pulis sa probinsya ng Cotabato.

Ang mga nasawi ay sangkot umano sa ibat-ibang kaso at residente ng Maguindanao.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos na nagsasagawa ng oplan sita sa kanilang PNP checkpoint ang mga tauhan ng Kabacan MPS.

Nang dumaan ang mga suspek na lulan ng motorsiklo sa PNP Checkpoint ay sinenyasang ito ng mga pulis na huminto ngunit humarurot ng takbo.

Hinabol ng mga pulis ang dalawa,imbes na sumuko ay nagpaputok ito ng kanilang baril kaya gumanti ang mga otoridad.

Naisugod pa sa pagamutan ang mga suspek ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober sa posisyon ng mga nasawi ang isang kalibre.45 na pistola,mga bala,magasin at pakete ng shabu.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng mga tauhan ng Kabacan Municipal Police Station ang pagbabantay sa kanilang AOR.