-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pasok ngayon sa Top 50 ang dalawang pambato ng Caraga Region para sa 2021 Miss Universe Philippines pageant fan votes na sina Hershey Gail Dacera na mua sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur at Michele Angela Navarro Okol na mula naman ng Siargao Island, Surigao del Norte.

Dahil dito’y malaki ang kanilang pasasalamat lalo na’t naipapakita nila ang ganda ng kani-kanilang kultura.

Ayon kay Dacera, ang kanyang pagsali sa prestihiyosong beauty pageant ay nagbibigay sa kanya ng oportunidad upang patunayan ang kanyang sarili sa ibang mga tao lalo na’t dala-dala niya ang istorya ng kanyang pinagmulan at maibabalik sa kanyang mga supporters ang ibinigay sa kanyang tiwala na patuloy niya ngayong pinagsisikapan.

Samantala nananawagan naman ang pambato ng Siargao Island sa lahat ng mga Caraganons na patuloy silang tulungan na maka-abot sa Top 30 a pamamagitan ng pagboto sa kani-kanilang larawan, pagla-like at saka pagsi-share.

Sa ngayo’y inantay na lamang nila ang final announcement upang bibiyahe na patungong Maynila para sa gagawing live interview.